Isang kalansay ang natagpuang palutang lutang sa ilog sa Barangay Sicalao, Lasam, Cagayan.

Kinilala ni PMSG Rey Lorenzo imbestigador ng PNP Lasam ang biktima na si Tolentino Baloran, 53 anyos, magsasaka at residente sa nasabing barangay.

Una rito ay nakatanggap ng tawag ang kapulisan mula sa isang concern citizen kaugnay sa nakita nitong bangkay na palutang lutang sa ilog.

Lumalabas sa imbestigasyon na matagal na umanong nawawala ang biktima kung saan na-iblotter pa ito noong December 21, 2023.

Napag alaman na sa nasabing petsa ay nagpaalam aniya ang biktima sa kanyang pamilya na kukunin nito ang kaniyang kalabaw sa bundok alas tres ng madaling araw kung saan bago makarating sa nasabing bundok ay kailangan munang tumawid sa ilog na nataon pang malaki ang tubig.

-- ADVERTISEMENT --

Matapos nito ay hindi na muling nakabalik pa sa kanyang pamilya ang biktima dahilan upang ipa-blotter ito noong December 25, 2023.

Positibo namang kinilala ng kanyang asawa ang bangkay nito dahil sa dalawang ngipin sa kanyang harapan.

Ayon kay Lorenzo, posibleng aniyang nahulog at inanod sa ilog ang biktima sa tagal nitong pagkawala.

Sa ngayon ay dadaan pa ang kalansay sa forensic examination ng SOCCO habang nakuhanan na rin ng DNA test ang mga anak nito upang makumpirma ang pagkakakilanlan ng biktima.