Patay ang isang taga-Ugac Sur, Tuguegarao City na 58 years old na lalaki dahil sa komplikasyon ng covid-19 kagabi.

Siya ay na-admit sa Cagayan Valley Medical Center noong linggo at may maraming iba pang karamdaman tulad na lamang ng sakit sa puso at hypertension.

Ayon kay Dr. Glenn Mathew Baggao, medical center chief ng CVMC na wala naman umano itong history of exposure.

Bago siya na-confine sa cvmc, ang pasyente ay pumunta ng Bagumbayan, Tuguegarao City noong Sept 6 at sa Florida bus terminal noong huling linggo ng Agosto.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, 12 na ang namatay dahil sa covid-19 sa Region 2.

Pinakamarami pa rin sa Nueva Vizcaya na may pito, tatlo na sa Cagayan at dalawa sa Isabela.