Sinampahan ng kasong sexual harrassment, breach of contract at wrong termination ng isang babae na nagtrabaho sa kanya bilang assistant sa loob ng dalawang taon.

Inilahad ni Lauren Pisciotta sa inihain niyang kaso na nagpadala sa kanya ng mahalay na mga text at gumawa umano ng sex acts habang sila ay nag-uusap sa telepono.

Ayon sa kanya, tinanggal umano siya sa trabaho noong 2022, subalit ang $3 million na kompensasyon ay hindi pa nababayaran hanggang ngayon.

Batay sa mga dokumento, nakilala umano niya si West noong 2021.

Kinuha umano siya ni West sa unang season ng kanyang women’s fashion line hanggang sa nagkaroon sila ng collaboration sa tatlong tracks mula sa kanyang Donda Album.

-- ADVERTISEMENT --

Ginawa ni West si Pisciotta na kanyang personal assistant na may annual salary na $1 million sa kundisyon na available siya “24-7”.

Sinabi ni Pisciotta na sumang-ayon naman siya sa nasabing kundisyon.

Ayon sa kanya, noong una ay okay naman si West na tuloy lang ang kanyang OnlyFans business.

Subalit noong 2022, sinabi niya na gusto ni West na i-delete ang kanyang account kapalit ng $1 million.

Pagkatapos na isara niya ang kanyang account, sunod-sunod umano ang mga mahahalay na text sa kanya ni West kabilang ang pornographic videos.

Ginawan din umano siya ng mahalay na bagay sa private room ng eroplano.

Sinabi niya na noong September 2022, na-promote siya bilang Chief of Staff sa iba’t ibang kumpanya ni West, subalit agad din siyang tinagggal sa trabaho.