Niyanig ng malakas na magnitude 6.2 na lindol ang baybayin ng Surigao del Sur ngayong umaga.

Ang epicenter ng lindol ay sa 195 kilometers mula sa epicenter ng kamakailan lang ay magnitude 7.4 na lindol sa Davao Oriental.

Naitala naman ang intensity IV sa Davao City, at sa mga munisipalidad ng Cagwait at Carmen sa Surigao del Sur, Cabadbaran City, Agusan del Norte, Hinunangan, San Francisco, Hinundayan, at Silago sa Southern Leyte, at Surigao City, Surigao del Norte.

Habang intensity III sa Bislig City, Surigao del Sur, at mati City sa Davao Oriental.

Inaasahan ang aftershocks ng nasabing malakas na lindol.

-- ADVERTISEMENT --