Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Labor and Employment o DOLE Region 2 sa mga employers para sa isasagawang job fair sa Independence Day sa June 12 na isasagawa sa isang malaking mall sa Tuguegarao City.

Sinabi ni Jonnel Domingo ng nasabing tanggapan, sa ngayon ay may 2, 259 local job vacancies at 248 na overseas ang available sa nasabing job fair.

Ayon kay Domingo, 45 na local companies ang nagkumpirma na makikilahok sa nasabing aktibidad habang limang naman sa overseas.

Bukod sa job fair, magkakaroon rin ng payout sa mga beneficiaries sa kanilang ipinagkakaloob na livelihood assistance at may one stop shop sa mga nagnanais na maka-avail ng services ng mga government agencies.

Kaugany nito, sinabi ni Domingo na hinihikayat nila ang mga employers na mag-hire din ng mga senior high graduates upang magamit nila ang kanilang mga skills na kanilang natutunan sa kanilang pag-aaral.

-- ADVERTISEMENT --

PInapayuhan ni Domingo ang mga jobseekers na bisitahin ang kanilang website para sa mga requirement at iba pang kailangang gawin upang mas mapabilis ang proseso sa araw ng job fair.