Tinatayang nasa humigit-kumulang isang kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasabat ng mga otoridad sa ikinasang buy-bust operation laban sa isang vegetable dealer sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) RO2 sa Barangay Almaguer North, kaninang umaga (February 18) ang target ng operasyon na si Jan Louie Mamaril, 27-anyos at residente ng Barangay Macate, Bambang.

Nasa P120,000 ang halaga ng nasamsam na marijuana sa suspek at nahulihan din ito ng isang hand grenade.

Bukod pa rito, nakuha rin ng PDEA ang isang sling bag, lighter, sigarilyo, cellphone, motorsiklo at buy bust money na ginamit sa operasyon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms ang suspek na itinuturing na High Value Target.

-- ADVERTISEMENT --