
Pumalag si Makati Mayor Nancy Binay sa pagsama sa kanyang pangalan sa mga sangkot umano sa anomalya sa mga infrastructure projects sa pagdinig Senate Blue Ribbon Committee ngayong araw.
Ayon kay Binay, tahimik na siyang nagtatrabaho bilang alkalde ng lungsod.
Wala raw siyang kinalaman sa anumang papel, at dokumento sa flood control.
Wala rin umano siyang empleyado sa Senado na kayang gawin ang ibinabato sa kanya.
Sa huli, mariing sinabi ni Binay na hindi niya hahayaang ma-distract o magulo siya ng mga kasinungalingan habang nagsisilbi sa Makati.
-- ADVERTISEMENT --










