Inanunsyo ni Jesus Crispin Remulla na inaasahang lalakas ang mga pagsusumite ng kaso kaugnay ng mga anomalya sa flood control.

Sinabi ni Remulla na ngayong tag-init ay inaasahan ang pag-init ng mga kaso.

Nauna nang nagsampa ang Ombudsman ng kaso laban kay dating Zaldy Co at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways-Mimaropa kaugnay ng umano’y substandard na road dike sa Naujan, Oriental Mindoro.

Nagsampa rin ng malversation at graft charges laban kay dating Ramon Bong Revilla Jr. at mga opisyal ng DPWH-Bulacan First District Engineering Office kaugnay ng umano’y “ghost” flood control project sa Pandi, Bulacan.

Samantala, si contractor Sarah Discaya ay nahaharap din sa parehong graft at malversation charges kaugnay ng umano’y “ghost” flood control project sa Davao Occidental.

-- ADVERTISEMENT --

Kasulukuyan ding iniimbestigahan ang diumano’y pagkakasangkot nina Jinggoy Estrada, Joel Villanueva, at ng magkapatid na sina Eric Yap at Edvic Yap sa mga anomalya sa flood control.

Ayon kay Mico Clavano, naglabas na rin ang korte ng asset preservation orders laban sa mga indibidwal na may kaugnayan sa iskandalo, kaya hindi pa rin nila magagamit ang kanilang mga bank account kahit na naluwag na umano ang freeze orders ng Anti-Money Laundering Council.

Linaw ni Clavano, kahit na awtomatikong nag-e-expire ang AMLC freeze orders makalipas ang anim na buwan, nananatiling nakapreserba ang mga assets sa ilalim ng asset preservation orders. Idinagdag niya na tinitiyak ng korte na lahat ng na-freeze na assets ay sakop ng civil forfeiture cases.