
Bumagsak sa bagong record low ang halaga ng piso laban sa US dollar matapos nitong halos maabot ang ₱62 kada dolyar sa intraday trading ngayong Miyerkules.
Nagsara ang piso sa ₱61.815 kada dolyar, mas mahina kumpara sa ₱61.785 noong Martes. Umabot naman ito sa ₱61.995 sa kalagitnaan ng kalakalan matapos magbukas sa ₱61.85, na nalampasan ang dating record low na ₱61.847 na naitala noong Hulyo 24.
Ayon sa ulat, kabilang sa mga dahilan ng paghina ng piso ang pabago-bagong presyo ng langis sa pandaigdigang merkado at muling pag-igting ng tensyon sa Middle East, na nagpalakas sa demand para sa US dollar.
Kasabay nito, bumagsak din ang Philippine Stock Exchange index o PSEi ng 1.70% o 106.36 puntos at nagsara sa 6,158.34.










