Handa umano ang Philippine National Police (PNP) na tulungan ang International Criminal Police Organization (Interpol) kung maglalabas ang International Criminal Court (ICC) ng arrest warrants para sa iba pang opisyal na umano’y sangkot sa madugong drug war ng nakalipas na administrasyon.

Sinabi ni PNP spokesperson and Calabarzon police chief Brig. Gen. Jean Fajardo, mayroon nang nakalatag na proseso, kasunong ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa umano’y crimes against humanity.

Ayon kay Fajardo, alam nila na bukod kay Duterte, kinasuhan din sa ICC ang ilang kaalyado ng dating pangulo.

Kasabay nito, sinabi niya na wala pang natatanggap ang PNP na anomang impormasyon kung may inilabas nang arrest warrant para sa mga kaalyado ni Duterte.

Matatandaan na noong March 11, isinilbi ang arrest warrant ng ICC laban kay Duterte.

-- ADVERTISEMENT --

Kasunod nito ay dinala si Duterte sa The Hague, kung saan ang unang pagharap niya sa ICC judges sa pamamagitan ng video link.