Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na tatawid sa 20th Congress ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Marcosw na malinaw ito na mangyayari dahil kahit pa simulan ang paglilitis ngayon, matatapos nila ito bago pumasok ang mga Senador, at muling magdedesisyon ang mga ito.
Gayunpaman, sinabi ni Marcos na tungkulin at trabaho ito ng Senado, kaya hayaan na lamang na sila ang magpapasiya.
Ayon sa kanya, sinusubaybayan din nila kung ano ang gagawin ni Senate President Francis Escudero para sa maayos na transition ng usapin sa susunod na Kongreso.
Una rito, nanumpa na si Escudero bilang presiding officer ng impeachment court kagabi.
Tinanggap din ng Senado ang mosyon ni Senator Joel Villanueva na manunumpa bilang senator-judges ang mga senador sa impeachment trial mamayang 4 p.m.
Sinabi ni Villanueva na pagkatapos ng kanilang panunumpa, constituted na ang korte subalit hindi pa nag-convene.
Naging unanimous ang boto sa Senado na i-refer ang verified impeachment complaint laban kay Duterte sa committee on rules.