TUGUEGARAO CITY-Nananatiling covid-19 positive free ang probinsya ng Batanes matapos magnegatibo sa virus ang specimen na ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine at DOH-Region 02.
Batay sa report ng provincial government ng Batanes, limang specimen ang ipinadala sa RITM at isa sa DOH Region 02 noong unang araw ng buwan ng Agosto kung saan pawang negatibo sa virus ang resulta na lumabas ngayong araw.
Sa ngayon, isa ang suspected case na nasa stable ang kondisyon at kasalukuyang minomonitor sa Batanes General Hospital habang 87 ang local PUMs o Persons Under Monitoring na nasa quarantine facility.
Bukod sa probinsya ng Batanes, COVID-19 positive free rin ang Quirino sa Rehiyon dos.