
Humingi ng paumanhin si Interior Secretary Jonvic Remulla matapos arestohin ang isang construction worker dahil sa walang suot na pang-itaas habang isinasagawa ang operasyon ng Safer Cities Initiative sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.
Sinabi ni Remulla na may nakita siyang feedback sa social na may umangal mula sa nasabing barangay na naghahalo lang ng semento na hinuli ng mga pulis.
Ayon kay Remulla pupuntahan niya mismo ang nagreklamo sa susunod na mga araw para personak na humingi ng paumanhin.
Inamin ni Remulla na hindi malinaw ang naibigay na instruksyon sa mga pulis hinggil sa pagpapatupad ng Safer Cities Initiative.
Ayon kay Remulla, pag-aaralan ang polisiya ngunit magpapatuloy pa rin ang Safer Cities Initiative.
Noong Abril 6, inanunsyo ni Remulla ang mas mahigpit na pagpapatupad ng pagbabawal sa pag-inom ng alak at pagsusugal sa mga pampublikong lugar, kasama ang iba pang hakbang sa ilalim ng Safer Cities Initiative.
Ayon sa Philippine National Police (PNP) noong Linggo, umabot sa kabuuang 61,549 kaso ang naitala mula Abril 6 hanggang 11.
Karamihan sa mga paglabag ay may kinalaman sa pag-inom at paninigarilyo sa pampublikong lugar, na may 18,904 na insidente.
Sa kabuuang bilang, 39,205 indibidwal ang pinagsabihan at pinalaya, 21,317 ang pinagmulta, at 1,207 ang sinampahan ng kaso.









