Nagpapagaling pa sa pagamutan ang isang rider na nagtamo ng pinsala sa ulo nang mahagip nang minaneho niyang motorsiklo ang isang aso na biglang tumawid sa kalsada sa bayan ng Lasam.

Ayon kay Senior Master Sgt. Jomar Arnedo ng PNP-Lasam, nawalan ng kontrol sa manibela si Ronald Orio nang mabangga nito ang isang aso sa bahagi ng Brgy Nabbannagan na malapit na sa kanyang tahanan bandang alas nuebe ng gabi.

Nagresulta rin ito sa pagkakasagi nito kay George Agbayani na naglalakad sa gilid ng kalsada at pauwi na rin sa naturang Barangay.

Agad namang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang dalawa ngunit inilipat sa Tuguegarao City si Orio para sa karagdagang atensyong medikal habang nakalabas na si Agabayani na nagtamo lamang ng mga gasgas sa katawan.

Nabatid na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin si Orio nang mangyari ang insidente at wala rin itong anumang protective gear sa katawan na nagmaneho ng motorsiklo.

-- ADVERTISEMENT --