TUGUEGARAO CITY- Inihayag ni Mayor Martina Dangoy ng Conner, Apayao na magsasagawa sila ng ritual sa lugar kung saan nahulog ang elf truck kung saan 19 ang namatay.

Sinabi ni Dangoy na posibleng sa susunod na linggo ay isasagawa ang nasabing ritual bukod pa sa isasagawa ding pagdadasal doon ng ilang religious groups.

Tinig ni Mayor Martina DAngoy

Samantala,magbibigay ang DSWD CAR ng tig-P17,000 na financial assistance sa mga namatayan at mga sugatan sa nasabing trahedya.

Maging ang tanggapan ni Apayao Governor Eleonor Begtang ay magbibigay din ng financial assistance sa mga biktima.