Pupunta sa Pilipinas si Mariah Carey para sa isang show sa buwan ng Oktubre.

Magaganap sa October 14, ang nasabing show ay isa sa pitong performances ng American legend sa Asia para sa “The Celebration of Mimi.”

Sa isang pahayag, sinabi ni Carey na dadalhin sa buong mundo ang The Celebration of Mimi.

Ayon sa kanya, excited na siya para sa special anniversary year ng Mimi album, kung saan ilalahad sa susunod na mga araw ang iba petsa at lugar ng kanyang performance.

Ang The Celebration of Mimi ay ang Las Vegas residency ni Carey na pagkilala sa kanyang multi-platinum album “The Emancipation of Mimi” na inilabas noong 2005.

-- ADVERTISEMENT --

Huling nagtanghal si Carey sa bansa noong 2018.