Iniimbestigahan na ng kapulisan ng lungsod ng Tuguegarao ang insidente umano ng panggagahasa.

Sinabi ni Mayor Maila Ting Que, batay sa nakuha niyang initial report mula sa Tuguegarao Police Station, nagkayayaan umano ang babae at lalaki na mula sa bayan ng Iguig, Cagayan na kumain dito sa lungsod kagabi, kung saan dito umano naganap ang panggagahasa sa biktima.

Ayon kay Que, kasunod nito ay sumakay ang dalawa na edad 20 at 22 sa motorsiklo at pumunta sila sa bypass road sa Barangay Carig at habang nag-uusap ang mga ito ay sumigaw ang babae na humihingi ng tulong.

Agad naman na rumesponde ang mga nagrorondang mga barangay tanod.

Dahil dito, tinangka ng lalaki na tumakas kung saan hinarurot niya ang kanyang motorsiklo.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kasamaang palad ay nabangga niya ang heavy equipment na dahilan ng tinamo niyang pinsala sa katawan, at ngayon ay comatose sa ospital.