Naaresto sa Tuguegarao City at kasalukuyan nang nakakulong ang pangunahing suspek pagpatay sa isang miyembro ng LGBTQIA+ community.

Kinilala ito sa pangalang alyas Win residente ng Ugac Sur, Tuguegarao City, na naaresto sa bisa ng warrant of arrest dahil sa karumal-dumal na pagpatay kay Gian Dulin Molina, residente ng Zone 7, Centro, Peñablanca, Cagayan.

Matatandaang natagpuang palutang-lutang ang bangkay ni Gian sa ilog na nasa hangganan ng Amulung at Iguig, Cagayan noong Hunyo 23, 2025, dalawang araw matapos itong mawala.

Si Gian ay 18 taong gulang at incoming first-year student ng Business Management sa Cagayan State University – Caritan Campus.