TUGUEGARAO CITY-Nagbukas ng “trust fund account” ang Local Government Unit (LGU)-Tuguegarao para sa mga nagnanais magbigay ng tulong sa mga labis naaapektuhan ng enhance community quarantine laban sa coronavirus disease (Covid-19).

Ayon kay Mayor Jefferson Soriano ng Tuguegarao , limitado lamang ang calamity fund ng Barangay at LGU kung saan kulang na kulang lalo na kung magtatagal ang Luzon quarantine.

Sa mga nagnanais tumulong o magbigay ng donasyon ay maari lamang i-deposit sa account number na 000-506-535-603.

Aniya,kung may malilikom na pondo ay ipapambili ng bigas na maaaring ibigay sa labis na apektadong pamilya o barangay sa lungsod.