Vice Governor Melvin Vargas

TUGUEGARAO CITY- Naghain ng resolusyon si Vice Governor Melvin Vargas na nagmumungkahi na gawing quarantine o isolation facility ang mga nagsarang district hospitals sa Cagayan.

Sinabi ni Vargas na ito ay upang may magamit na karagdagang isolation facilities para mga mamamayan ng lalawigan na nagpopositibo at maging ang mga suspected sa covid-19.

Ayon kay Vargas, sang-ayon naman umano ang mga board members sa kanyang resolusyon bagamat ito ay kanila munang pag-uusapan bago ipasa.

Kasabay nito, nilinaw ni Vargas na hindi niya pinapanguhan ang executive department sa kanyang resolusyon.

Tinig ni Vice Governor Melvin Vargas

Ang mga ospital na hindi na nag-ooperate ay matatagpuan sa Baggao at Aparri, Cagayan.

-- ADVERTISEMENT --